Pumayag na ang North Korea na tanggalin ang kanilang nuclear program.
Ibinunyag ito ni South Korean President Moon Jae In matapos makausap ang ilang matataas na opisyal ng Pyongyang.
Ayon pa sa Pangulo ng SoKor, inalis na rin ni Kim Jong Un ang pagpapalayas sa may 28,000 tropa ng mga sundalong Amerikano na kasali sa military exercise sa SoKor.
Si Kim ay makikipagpulong kay US President Donald Trump sa susunod na linggo para sa ikinakasang demilitarized zone ng Korean Peninsula.
Una nang nagbanta si Trump na aatras sila sa pulong sakaling magmatigas ang NoKor sa kanilang nuclear program.
—-