Binuweltahan ng Malakaniyang ang European Parliament makaraang manawagan ito na itigil na ang kampaniya kontra droga ng Administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isa aniya itong patunay ng pakikialam at panghihimasok ng mga banyaga sa mga usaping panloob ng bansa.
Muling nandigan ang Palasyo na kailanman ay hindi pinangunahan o pumasok sa mga Extra-Judicial Killings ang administrasyon sabay hamon sa mga miyembro ng parliyamento na maglabas ng pruweba.
Giit ni Roque, walang puwang sa lipunan ang walang habas na pagpatay at patuloy nilang ipatutupad ang due process at pananagutin ang sinumang opisyal o tagapagpatupad ng batas na aabuso sa kanilang kapangyarihan.