Tinatayang nasa 300 pasahero na naman ang naperhuwisyo makaraang magka-aberyang muli ang biyahe ng Metro Rail Transit line 3.
Ayon sa pamunuan ng MRT 3, nangyari ang aberya sa northbound lane sa bahagi ng Quezon Avenue dahil sa electrical failure sa motor dakong alas 4:00 ng hapon.
Dahil dito, pinababa ang lahat ng mga pasahero pero agad din namang nailipat sa kasunod na tren anim na minuto lamang ang nakalipas.
Bagama’t nagkaroon ng aberya, napanatili naman ng MRT 3 sa 16 ang tumatakbong tren sa panahon ng rush hour hanggang sa magtapos ang kanilang operasyon.