Muling nakabalik sa finals ng UAAP o University Atlethic Association of the Philippines Women’s Volleyball division ang koponan ng Far Eastern University Lady Tamaraws.
Ito’y makaraang ilampaso ng FEU ang Ateneo Blue Lady Eagles sa kanilang paghaharap kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Dahil dito, wala nang tsansang maipagpatuloy pa ng lady eagles ang ika-anim sana nilang pagpasok sa finals ng UAAP Season 74.
Nagpakitang gilas sa panig ng Lady Tamaraws sina Bernadeth Pons na nakapagtala ng labing pitong puntos gayundin si Toni Rose basas na siyang dahilan para maipagwagi ang kanilang koponan.
Samantala, naging magarbo at star-studded naman ang pagsasara ng palarong pambansa sa Vigan, Ilocos Sur kahapon.
Kabilang sa mga nagtanghal sa closing ceremony sina Angeline Quinto gayundin ang Little Big Star France contestant na si Ella Nympha at ang bandang Moonstar 88.
Panauhing pandangal naman si Makati 1st District Rep. Monsur del rosario na isang Taekwando champ kung saan, kaniyang ipinaalala sa mga kabataang atleta ang tatlong ‘D’ o ang Desire, Discipline at Determination.