Ibinahagi ni Senador Grace Poe ang Kanyang wish sa kanyang ika-47 kaarawan kahapon, September 3.
Sinabi ni Poe na sana’y pagkalooban siya ng lakas ng loob at wisdom o karunungan para magawa niya kung ano ang makabubuti para sa bayan.
Matatandaang si Poe ay nasa punto pa ngayon ng pagpapasya kung sasabak o hindi sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)