Inaasahang makukumpleto na ang may 400 undocumented OFWs o overseas Filipino workers na magbabalik bansa ngayong araw mula sa Kuwait.
Mag-aalas onse kagabi nang dumating na ang may isandaang undocumented OFWs mula Kuwait lulan ng Philippine Airlines flight PR-669 sa NAIA Terminal 2.
Ayon sa DFA o Department of Foreign Affairs, nasa 300 mga undocumented OFWs pa ang kanilang inaasahang darating sa bansa ngayong araw sakay naman ng Qatar Airways.
400 OFWs ang ginawaran ng amnesty ng bansang Kuwait habang kasalukuyan ding pina-iiral doon ang deployment ban sa mga Pinoy bunsod ng pagkamatay ng overseas Pinay worker na si Joanna Demafelis.
Magugunitang si Demafelis ang bangkay na isinilid sa freezer ng kanyang mga among Syrian at Lebanese sa kanilang inuupahang tahanan sa nasabing bansa.