Tinatayang nasa limang libo (5,000) pang mga undocumented Filipino workers ang nananatili pa rin sa Kuwait sa kabila ng pagtatapos ng ipinatupad na amnesty program.
Ayon kay Philippine Ambassador Renato Villa, karamihan sa mga nasabing mga OFW ay pawang tumakas sa kanilang employer at nakakuha ng mga part-time jobs sa Kuwait.
Aniya, nagbabakasali ang nasabing mga Filipino na makakuha ng pagkakakitaan sa kabila ng malawakang crackdown ng gobyerno ng Kuwait laban sa mga undocumented foreign workers.
Tinukoy naman ng Department of Foreign Affairs o DFA na umabot sa halos apatnalibo’t limang daang (4,500) mga undocumented Filipino workers ang kanilang napauwi.
Ngayong araw ay inaasahang magbabalik bansa ang ilan pang batch ng mga mangagawang Pinoy mula sa Kuwait.
—-