Walang kinalaman si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa isinampang disbarment case laban kay Atty. Larry Gadon.
Gayundin ang paghimok kay Solicitor General Jose Calida na sampahan ng quo warranto petition si Associate Justice Teresita de Castro.
Ito ang iginiit ng kampo ng Punong Mahistrado bagama’t lumabas na mga supporters nito ang naghain ng reklamo.
Ayon kay Atty. Josa Deinla, tagapagsalita ni Sereno, kahit minsan ay hindi sumagi sa kanilang isip na gawin ang nasabing hakbang.
Magugunitang ilang mga tagasuporta ni Sereno ang naghain ng disbarment case laban kay Gadon sa Integrated Bar of the Philippines o IBP kasunod nang inasal nito noong summer en banc session ng Korte Suprema sa Baguio.
Habang isang Jocelyn Maria Acosta naman ang sumulat kay Calida para himukin itong magsampa ng quo warranto petition laban kay De Castro.
—-