Lusot na sa House Committee on Tourism ang panukalang batas na layong protektahan ang mga tourist destination sa bansa.
Ayon kay Leyte Rep. Lucy Torres Gomez, magkakaroon na ngayon ng bagong pamantayan sa pangangalaga ng mga tourist spot sa bansa upang maprotektahan ito laban sa mga environmental issues.
Batay sa Philippine Sustainable Tourism Act, obligado na ang iba’t ibang industriya na may kaugnayan sa turismo na tumulong sa pangangalaga ng nasabing sektor na nakakatulong sa paglago ng ekonomiya.
Sa ilalim din ng naturang panukala, bubuo ang House Committee on Tourism ng isang konseho na magtatatag ng mga adhikain at mahigpit na magpapatupad ng mga batas na umiiral patungkol sa industriya ng turismo.