Magkakaloob ng libreng sakay ang Metro Rail Transit o MRT – 3 sa Labor Day, Mayo 1.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ipakita lamang ng mga manggagawa ang kanilang company ID, pampubliko man ito o sa pribadong sektor.
Magsisimula umano ang libreng sakay7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Makakatanggap ng magnetic cards ang mga manggagawang malilibre sa sakay upang makapasok sa MRT service gates at iiwan ito kung saang istasyon sila bababa.
Ipinabatid din Bello na magsasagawa din ang DOLE sa nasabing araw ng “trabaho, negosyo at kabuhayan fair” sa buong bansa.