Inatasan ng National Police Commission ang lahat ng himpilan ng pulisya sa buong bansa na bumuo ng Freedom of Information Desk.
Ito’y ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Atty. Rogelio Casurao ay bilang bahagi ng information program ng pamahalaan at itaguyod ang transparency sa hanay ng pulisya.
Magugunitang inutusan ng Korte Suprema ang PNP na isumite ang mga dokumentong may kinalaman sa war on drugs ng administrasyon subalit hinintay muna nito ang basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito Ilabas.
Dahil dito, madali nang magakakroon ng access ang publiko dahil bahagi ng mandato ng FOI desk ang tumanggap, humawak, magproseso at maglabas ng mga impormasyong hinihingi ng publiko tungkol sa PNP.