Anim na bus terminals sa Quezon City ang ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority dahil sa kabiguang tumalima sa “nose-in, nose-out policy.”
Ang mga ito ay ang DLTB Company, Alps, Lucena Lines, dalawang terminals ng Raymond transportation at Superlines.
Ayon kay MMDA Supervising Operations Officer Bong Nebrija, halos isang taon na ang ibinigay nila sa mga naturang bus firm subalit wala pa silang nakikitang pagbabago.
Inihayag naman ni M.M.D.A. Chairman Danilo lim Na mananatili ang closure hangga’t hindi tumatalima ang mga bus company sa “nose-in, nose-out policy.”
Sa ilalim ng naturang polisiya, ang harapang bahagi ng bus ang unang pumapasok at lalabas sa terminal.