Maaari nang muling magpakasal sa Pilipinas ang mga Filipino na nakipag-divorce sa ibang bansa.
Sa botong sampung pabor at tatlong hindi pabor, sinabi ng Korte Suprema na kikilalanin sa Pilipinas ang diborsyo ng isang Pilipino laban sa foreign spouse nito kahit pa ang Pinoy na asawa ang nag-file ng divorce.
Kabilang sa mga tumutol sa ruling ay sina Justices Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe at Alfredo Benjamin Caguio.
Samantala, tanging ang Pilipinas at ang vatican na lamang ang mga bansang hindi pabor sa diborsyo bagama’t legal ang annulment dito.
—-