Hindi sinisisi ni JM de Guzman ang kanyang naging nakaraang relasyon kay Jessy Mendiola kung bakit napariwara ang buhay niya at nalulong sa ipinagbabawal na gamut.
Ayon sa aktor hindi niya pwedeng sisisihin ang ibang tao sa lahat ng naging pagkakamali niya sa buhay.
Sinabi pa ni JM na matagal na silang hindi rin nagkikita na Jessy ngunit batid nitong masaya na ito ngayon sa piling ng kaniyang nobyong si Luis Manzano.
Samantala, sa ngayon ay nagsisimula nang bumangon muli si JM kasabay ng pagsisimula rin ng kanyang bagong palabas sa kapamilya network na “Precious Hearts Romance Presents Araw Gabi” kung saan makakantatambal niya ang aktres na si Barbie Imperial.