Umakyat na sa mahigit dalawampu (20) ang bilang ng nasawi sa pagsabog sa isang illegal oil well sa Ace Province sa Sumatra Island, Indonesia.
Tinaya naman ng Indonesian Health Ministry at Aceh Disaster Mitigation Agency sa halos apatnapu (40) pa ang nananatili sa ospital na pawang nagtamo ng 2nd hanggang 3rd degree burns.
Nasa dalawampung (20) kabahayan naman ang naabo o napinsala sa sunog na tumagal ng kalahating araw.
Isa sa tinitingnang sanhi ng pagkalat ng apoy ang itinapon umanong sigarilyo sa naturang lugar.
—-