Nakatakdang magsagawa muli ng simulation sa barangay at Sangguniang Kabataan elections ang COMELEC o Commission on Elections sa mga susunod na araw.
Kasunod ito ng mga nakitang pagkakamali at kaguluhan sa isinagawang mock elections sa Rosuaro Elementary School sa Tondo noong nakaraang linggo.
Ayon kay COMELEC acting Chairman Al Parreno, layunin nito ang gawing pulido ang darating na barangay at SK elections sa May 14.
Gayundin, ang sanayin ang mga guro na magsisilbing board of election tellers.
Magugunitang nagkaroon ng kalituhan sa mga ibinigay na balota sa mga botante sa isinagawang simulation noong nakaraang linggo.
—-