Pabor si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto sa pasya ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na ilabas na sa Lunes ang listahan ng mga barangay officials na sinasabing sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Sotto, nakatitiyak siyang nagsagawa ng validation ang PDEA bago mapagpasiyahang ilabas ang hawak nilang narco-list.
Dagdag ni sotTo, makatutulong rin aniya ito sa mga botante para makapagpasiya at makapamili ng kanilang iboboto sa May 14 barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Samantala, sinabi ni Sotto na mahirap ang agarang paghaharap ng kaso laban sa mga mapapasama sa narco-list lalo’t maituturing na complex crimes ang illegal drugs.
Aniya, hindi madaling mahuli ang mga drug traffickers dahil mismong ang mga drug lord ay hindi humahawak ng iligal na droga.
(Ulat ni Cely Bueno)