Dalawang hinihinalang terorista ang inaresto ng awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa Laguna.
Ang suspects ay sinasabing miyembro ng Suyuful Khilafa Fil Luzon na di umano’y konektado sa ISIS.
Armado ng search warrant, sinugod ng pinagsanib na puwersa ng PNP at AFP ang Mabuhay Subdivision sa Cabuyao at Celina Homes 5 Subdivision sa Sta. Rosa kung saan dinakip ang suspects na sina Jimuel Velaco Dizon alias Amir at Eddie Boy Alejo Bermejo alias Abdullah.
Nakuha sa bahay sa Cabuyao ang isang fragmentation grenade, isang IED, isang kalibre .45 baril na may limang bala, isang kalibre .38 baril, laptop at ISIS flag.
Samantala, nakuha naman sa bahay sa Sta. Rosa ang iba’t ibang klase ng baril, IED at bandila ng ISIS.
—-