Simula sa Hunyo ay pag-aaralan na ng mga estudyante sa Davao City mula grades 4 hanggang 12 ang tungkol sa drug education.
Saklaw nito ang lahat ng mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa lungsod, kasama na ang alternative learning system o ALS at aprubado ni Education Secretary Leonor Briones.
Sinasabing bahagi pa rin ito ng kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa illegal drugs.
Ayon kay City Anti-Drug Abuse Council Action Officer Michael Denton Aportadera, layon ng programa na protektahan ang mga bata laban sa droga.
Pinuri naman ni City Mayor Sara Duterte-Carpio ang City Anti-Drug Abuse Council modules dahil ito ang kauna-unahang proyekto na nabuo sa bansa.