Siyam sa kada sampung Pilipino ang higit na apektado sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa nakalipas na tatlong buwan.
Ayon ito sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula March 23 hanggang 28 kung saan 86% ng adult pinoy ang nagsabing strongly affected o higit silang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng basic goods.
Samantala, 13% ng mga Pilipino ang nagsabing bahagya lamang silang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Lumalabas din sa survey na isang porsyento lamang ng mga Pilipino ang nagsabing hindi naman sila apektado nang pagtaas ng basic goods.