Tagumpay na naiuwi ng Pilipinas ang korona ng Miss Eco International 2018.
Napanalunan ni Miss Philippines Cynthia Thomalla ang nasabing titulo sa coronation night na ginanap sa Cairo, Egypt kaninang umaga oras sa Pilipinas.
Inilipat ni 2017 Miss Eco International Winner Amber Bernachi ng Canada ang korona kay Thomalla.
Samantala, nasungkit naman ni Miss Indonesia ang first runner up, second runner up naman si Miss Peru, third runner up si Miss Vietnam habang fourth runner up naman si Miss Costa Rica.