Makararanas ng mahabang emergency power interruption ang buong Ilocos Norte at ilang bahagi ng Ilocos Sur province, bukas, Setyembre 5.
Sa kalatas ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, magaganap ang putol-suplay ng kuryente bunsod ng emergency works sa transmission line ng ahensya.
Ayon kay Lilibeth Gaydowen, media officer ng NGCP, ilalarga ang emergency shutdown mula alas-singko ng umaga hanggang alas-dies ng gabi.
Kabilang sa mga maaapektuhan ang Vigan city, Sta. Catalina, San Vicente, Caoayan, Bantay, San ildefonso, Sto. Domingo, Magsingal, San juan, Cabugao, at Sinait sa Ilocos Sur at gayundin ang buong Ilocos Norte.
By: Jelbert Perdez