May nakaamba na namang bigtime oil price hike ang mga kumpaniya ng langis sa pagpasok ng linggong ito.
Batay sa ipinadalang abiso ng Department of Energy o DOE, maglalaro sa siyamnapung sentimos (P0.90) hanggang piso (P1.00) ang posibleng taas presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang inaasahang maglalaro mula pitumpu (P0.70) hanggang walumpung sentimos (P0.80) naman ang posibleng umento sa kada litro ng diesel at kerosene.
Ito na ang ika-apat na linggong magkakasunod na magpapatupad ng dagdag singil ang mga kumpaniya ng langis sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.
Maliban sa malikot na presyuhan ng langis sa world market, itinuturo rin ng mga kumpaniya ng langis ang paghina ng palitan ng piso kontra dolyar sa halaga ng mga produktong petrolyo sa bansa.
—-