Naisara na ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA ang kanal na naglalabas ng maruming tubig sa Bolabog beach sa isla ng Boracay.
Ito’y makaraang matukoy ang dalawampu’t apat (24) na mga establisyemento sa isla na iligal umano ng nakakonekta sa inilagay nilang rain pipe sa lugar.
Kabilang sa mga lumalabag sa environmental protocols sa isla ang Hennan Garden Resort na pagmamay-ari ni Henry Chusuey na pinuno mismo ng Boracay Foundation Incorporated.
Ayon kay David Tapispisan, Boracay drainage project engineer ng TIEZA, nailipat na nila ang koneksyon ng kanal sa Boracay Water Company na siyang mangangasiwa sa water treatment bago pakawalan sa dagat ang mga waste water ng isla.
—-