Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bawasan ang 6 month closure ng Boracay island.
Sa ginanap na press conference sa Davao International Airport ni Pangulong Duterte, kasabay ng kanyang pagbabalik bansa mula sa ASEAN summit sa Singapore, sinabi nito na hindi niya pakikialaman ang rekomendasyon nina Environment Secretary Roy Cimatu, Interior Officer-in-Charge Eduardo Año at Tourism Secretary Wanda Teo hinggil sa period of closure ng kilalang tourist destination sa bansa.
Paliwanag ng pangulo, hindi siya agad-agad nagrerevoke ng mga rekomendasyon ng mga cabinet members dahil tiyak aniyang 90 porsyentong mayroon itong katotohanan.
Nanindigan rin ang panunong ehekutibo na tuloy-tuloy ang paglilinis at rehab effort sa isla upang maiwasan ang mga posibleng mangyari sa hinaharap na hindi na maaring maligo o lumangoy sa Boracay.
Matatandaang inirekomenda ng ilang cabinet officials ang six-month closure sa isla para maisailalim ito sa rehabilitasyon matapos lumala ang mga kinakaharap nitong environmental problems.