Magpapadala ng karagdagang puwersa ang Philippine National Police o PNP sa Mindanao, partikular na sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na may una nang kasaysayan ng “political rivalry”.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, nabatid nila na sa mahigit limang libo pitongraan (5,700) na barangay na nasa election hotspots , mahigit walongdaan (800) dito ay mula sa ARMM.
Bukod dito, nasa nasabing rehiyon din ang mahigit isandaan at pitumpung (170) barangay na idineklarang category 3 o lugar kung saan maraming banta ng kaguluhan sa eleksyon.
Inihayag din ni Albayalde na mag-iikot siya sa Mindanao para tingnan ang sitwasyon ng seguridad doon at tiyakin na wala nang magaganap pang election-related violence sa lugar.
(With report from Jonathan Andal)