Pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-angakat ng bigas ang mga negosyante sa bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte responsibilidad niya na tiyaking puno ang mga imbakan ng bigas upang maiwasan ang kakapusan sa suplay nito.
Naniniwala din umano siya na pinagmumulan lamang ng korapsyon ang pagkakaroon ng quota sa rice imports.
Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo si National Food Authority o NFA Administrator Jason Aquino na punuin ang mga bodega ng NFA ng mga bigas.
Gayunman nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi dapat mag-angkat ng bigas kung panahon ng anihan sa bansa upang makinabang naman dito ang mga Pilipinong magsasaka.