Posibleng gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpapauwi sa mga OFW mula Kuwait ang ipinangakong tulong ng China.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa 4.8 Billion Peso ang ipinangako ng China sa Pilipinas na maaaring gamitin bilang travel fund kung kailangan.
Bagaman ang nasabing pondo ay nakalaan sana para sa infrastructure project, wala naman anyang binanggit ang Chinese Government kung saang partikular na proyekto ito gagamitin.
Nilinaw naman ni Roque na boluntaryo lamang ito at hindi rin naman nila pinipilit ang lahat ng OFW na umuwi.