Nabigo ang Presidential Commission on Good Government na ipasubasta ang kahit anong real estate property na kanilang na-rekober mula sa mga crony ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 2017.
Batay sa annual report ng Commission on Audit, Siyam na properties ang nakatakdang isailalim sa public bidding simula Marso hanggang Nobyembre noong isang taon subalit hindi natuloy.
Kabilang sa mga ipasusubasta sana ang 26,812 hectare na Bacolod Real Estate Development Corporation isinuko sa gobyerno nina Antonio Martel at Simplicio Palanca;
64,669-square meter Independent Realty Corporation Property sa General Mariano Alvarez, Cavite na isinuko naman ni Jose Campos.