Bumagsak ang economic optimism sa bansa sa unang tatlong buwan ng 2018.
Batay sa IBR o Grant Thorntons International Business Report, bumagsak ng labing dalawang (12) puntos ang economic optimism sa bansa, ang pinakamababang lebel sa nagdaang dalawang taon.
Mula sa 88 percent sa huling bahagi ng 2018 ay nakapagtala lamang ng 74 percent ang Pilipinas.
Ilan sa mga nakitang dahilan ng IBR ang bumabang expectations sa trabaho, pagbaba ng investment sa technology at bumagsak na profitalibity expectations.
Sa kabila nito, pumapangatlo pa rin ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na pinakapositibo ang pananaw sa negosyo.
—-