Nakahanda pa ring bumalik sa bansa si Sister Patricia Fox kahit pa bilang isang turista.
Ayon kay Sister Fox, bahagi na ng kanyang buhay ang kanyang gawaing tumulong sa mga nangangailangan sa Pilipinas na naging tahanan niya mula pa noong 1990.
Si Sister Fox ay nahaharap sa deportation case at kung hindi magtatagumpay ang kanyang depensa nakatakda siyang ipa-deport sa May 25.
Matatandaan na mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na paalisin sa bansa si Sister Patricia dahil sa di umano’y pakikilahok nito sa mga pulitikal na pagkilos.
—-