Agad na ipinagutos ni PNP Chief Oscar Albayalde ang pag-relieve sa tatlong magkakapatid na pulis na nakuhanan sa isang viral video na nanugod ng nakaalitang motorista.
Kinilala ang magkakapatid na sina PO1 Rendel Soriano ng Caloocan Police Station, PO3 Ralph Soriano ng Northern Police District at PO1 Reniel Soricano ng Drug Enforcement Group.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, sinimulan na ni Caloocan City Police Chief Senior Supt. Restituto Arcangel ang imbestigasyon sa insidente kung saan nahaharap ang makakapatid na pulis sa patung patong na kasong kriminal.
Sinasabing nag-ugat ang insidente matapos makagitgitan ni PO1 Reniel Soriano ang motoristang si Ricardo Malaya sa Mabini St. Caloocan City.
Muli namang pinaalalahanan ni Albayalde ang mga pulis na magpakita ng disiplina sa lahat ng oras.
(With report from Jonathan Andal)