Isang Overseas Filipino Worker o OFW sa Mecca, Saudi Arabia ang patay matapos pagsasaksakin.
Kinilala ni Philippine Consul General to Jeddah Edgar Badajos ang biktimang si Nasser Musa, 53-anyos na merchandise driver mula Lanao del Sur.
Ayon kay Badajos, limang saksak ang natamo ni Musa mula sa isang dayuhang suspek.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang hindi pinangalanang suspek habang nakikipag-ugnayan na ang konsulada sa Saudi authorities upang matiyak na makakamtan ang hustisya para sa biktima.
—-