Malabong maapektuhan ang mayorya ng mga Overseas Filipino Worker o OFWs sa kabila ng gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, 96 porsyento ng mga Pinoy sa nasa mabuting kalagayan at walang problema sa kani-kanilang mga employer.
Pamilya aniya ang turing ng mga Kuwaiti employer sa kanilang mga empleyadong Pinoy at kahit mayroon o walang deployment ban o lamat ang diplomatic relationship ng dalawang bansa, malayo sa kapahamakan ang mayorya ng mga OFW.
Pebrero nang ipatupad ng Pilipinas ang OFW deployment ban sa Kuwait dahil sa mga pang-aabuso sa mga domestic helper na nag-ugat sa pagkaka-diskubre sa katawan ni Joanna Demafelis sa loob ng freezer.
—-