Target ng gobyerno na magkaroon ng soft opening ang Boracay Island matapos ang apat na buwang rehabilitasyon nito.
Ayon kay Interior and Local Government Assistant Secretary Epimaco Densing, ang mas maagang pagbubukas sa isla ay para muling buksan ito sa mga turista at muling mapalakas ang lokal na ekonomiya sa lugar.
Posible aniya na abutin pa ng isang taon o anim na buwan ang paglilinis at pagsasaayos sa isla sa dahil pagtutulong-tulong ng local at national government kasama ang iba pang sektor ng lipunan.
Samantala sa naging mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte para sa Araw ng Paggawa kahapon, idinipensa nito pagpapasara sa Boracay Island.
Binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan na linisin ang isla at kahandaan din ng gobyerno na bigyan ng ayuda ang tatlumpu’t limang libong (35,000) mga manggagawang naapektuhan ng pagpapasara sa isla.
—-