Bumaba ang net trust rating ni Vice President Leni Robredo sa unang quarter ng 2018.
Batay ito sa isinagawang nationwide survey ng SWS o Social Weather Stations mula Marso 23 hanggang 27 kung saan nakakuha si Robredo ng positive thirty nine o katumbas ng good net trust rating.
Mas mababa ito ng labing tatlong puntos mula sa positive fifty o very good rating na nakuha ng pangalawang pangulo noong huling quarter ng 2017.
Gayunman, limampu’t walong porsyento pa rin o mayorya ng mga Pilipino ang may mataas na tiwala kay Robredo habang dalawamput tatlong porsyento ang undecided at labing walong porsyento ang may mababang tiwala.
Nakita naman ang pagbaba sa net trust rating ni Robredo sa balance Luzon at Mindanao.
Nananatili namang very good ang rating nito sa Visayas habang moderate o walang naging paggalaw sa Metro Manila.