Sisikapin ng Senado na magiging katanggap tanggap sa lahat ng sektor ang kanilang ipapasang batas na tutuldok na problema sa ENDO o End of Contract.
Ito ang tiniyak ni Senador JV Ejercito kasunod ng ulat na hindi kuntento ang mga labor groups sa pinirmahang executove order ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa endo.
Ayon kay Ejercito, isang magandang panukalang batas laban sa kontraktuwalisasyon ang nakatakdang iprisenta sa plenaryo ng Senate Committee On labor and Employment.
Binigyang diin pa ni Ejercito, magiging prayoridad ng Senado ang panukalang batas kontra kontraktuwalisasyon at magpapalakas sa security of tenure ng mga manggagawa.