Patay ang lima (5) katao matapos bumagsak ang isang military plane na C-130 “Hercules” sa Savannah, Georgia.
Ayon sa Chatham Emergency Management Agency, patungo sana ito sa Arizona para sa isang training mission.
Bumagsak ang naturang eroplano sa bahagi ng intersection ng Highway 21 na malapit sa paliparan.
Dahil dito pansamantalang isinara muna sa publiko ang nasabing kalsada.
Wala naman naitalang nadamay na ibang pampublikong sasakyan.
Samantala, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng mga biktima, gayundin ang naging sanhi ng pagbasak ng kanilang eroplanong sinasakyan.
—-