Itinuturing na wake up call ng mga senador ang pinakabagong resulta ng Pulse Asia survey hinggil sa mayorya ng mga Pilipinong tutol sa pagbabago ng Saligang Batas.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, panahon na para baguhin na rin ng administrasyon ang kanilang pananaw hinggil sa pagtutulak ng pederalismo.
Pero ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, tuloy lamang ang trabaho ng binuong Con-Com o Consultative Committee para sa pagbalangkas ng bagong Saligang Batas.
Naniniwala ang House Speaker na ang Cha-cha o Charter Change at pagbabago ng sistema sa pamahalaan ang siyang susi para makamit na ng Pilipinas ang matagal na nitong inaasam na kaunlaran.
—-