Patay ang labing pito (17) katao sa naganap na pag-atake sa Tajikistan.
Ayon sa Interior Ministry ng Tajikistan, kabilang sa mga nasawi ay ang 8 pulis na inatake sa lalawigan ng Dushanbe.
Isinisisi ng mga otoridad ang naturang karahasan sa pagkakasibak kay Deputy Defense Minister General Aduhalim Nazarzoda na sinasabing pinangungunahan ang mga teroristang grupo.
Sinasabing ang naganap na pag-atake ay may kinalaman sa sigalot s a pagitan ni President Emomali Rakhmon at mga pinuno ng United Tajik Opposition o UTO.
By Ralph Obina