Niyanig ng magkasunod na lindol ang Camarines Sur at Agusan del Norte ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, alas-5:23 ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3 na lindol ang Camarines Sur.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong sampung (10) kilometro timog ng Caramoan.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na labing limang (15) kilometro.
Alas-5:35 naman ng tumama rin ang magnitude 3 na lindol ang Agusan del Norte.
Naitala ang epicenter nito sa dalawang kilometro timog ng bayan ng Kitcharao.
Wala namang napaulat na napinsala sa naturang pagyanig.
—-