Maituturing na pananakop sa Pilipinas ang ginawa ng China na paglalagay ng missile sa tatlong bahurang inaangkin ng Pilipinas sa Spratlys.
Dahil dito, sinabi ni Congressman Edgar Erice, na maaaring humingi ng tulong ang Pilipinas sa Amerika dahil nasasaad ito sa defense treaty ng dalawang bansa.
Ayon kay Erice, hindi lamang security threat ang ginawa ng China kundi maituturing na pananakop sa teritoryo ng bansa.
Ang missiles ay sinasabing inilagay ng China sa Kagitingan, Zamora at Panganiban Reefs, tatlo sa pitong bahura sa Spratlys na inaangkin ng Pilipinas.
Kasama ni Erice na kumukondena sa kawalang aksyon laban dito ng Pilipinas sina Magdalo Representative Gary Alejano at Bayan Muna Representative Carlos Zarate.
—-