Binigyan ng Department of Justice ng hanggang alas 2:00 ng hapon sa Mayo 17 si Atty. Larry Gadon para sagutin ang counter affidavit ng mga tauhan ni chief Justice Maria Lourdes Sereno na nauna ng kinasuhan ni Gadon ng katiwalian sa D.O.J.
Mayroon namang hanggang Mayo 29 ang lahat ng respondents para ihain ang kanilang rejoinder at doon pagpapasyahan ng panel of prosecutors kung idedeklara ng submitted for resolution ang kaso.
Magugunitang sinampahan ng reklamong paglabag sa RA 3019 government procurement act sina Atty. Ma. Lourdes Oliveros – chief Of Staff ni Sereno at Atty. Michael Ocampo mula sa Office of the Chief Justice at ang I.T. consultant na si Helen Macasaet.
Dahil sa paniniwalag, nilabag ng tatlo ang anti-graft law nang paghiwalayin ang Contract of Service ni Macasaet na umabot sa walong kontrata sa loob ng apat na taon.