Tumaas na ang halaga ng lupa sa ilang bahagi ng Marawi City, Lanao del Sur halos pitong buwan matapos ang bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at grupong Maute-ISIS.
Ayon kay Adoracion Navarro, Undersecretary for Regional Development of National Economic and Development Authority, nasa 5,000 Pesos per square meter na ang halaga ng lupa mula sa dating 500 Pesos per square meter sa Marawi.
Inasahan na anya nilang sisirit ang land acquisition cost sa lungsod matapos ang kaguluhan kaya’t maingat ang gobyerno sa paghahanap ng lokasyon para sa mga housing project.
Bagaman aminado si Navarro na sadyang may ilang landowner na sinasamantala ang post-disaster situation, hindi ito laganap sa buong Marawi.