Tuloy- tuloy ang isinasagawang pagdarasal at pag-aayuno ng grupong Coalition for Justice sa harapan ng Korte Suprema.
Ito ay bilang bahagi ng pag-pressure sa Korte Suprema na ibasura ang quo warranto petition na inihain laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay running priest Father Robert Reyes, isa miyembro ng Coalition for Justice, kanilang sinimulan ang aktibidad noong Mayo a-uno at tatagal hanggang Mayo a-onse, ang raw na nakatakdang magdesisyon Ng korte Suprema sa petisyon.
Iginiit ni Reyes, tila ginagamit ang Korte Suprema ng kasamaan para baluktutin ang katotohanan at sistema ng katarungan sa bansa.
We perform a minor exorcism on the Supreme Court. Kasi nga ‘yung distortion ng katotohanan, distortion ng batas, distortion ng due process… Pwede mong sabihin na this is just all part of dirty politics, pero another way of looking at it, ito ay bahagi rin ng kasamaan. Nagdadasal kami araw araw na iligtas ang mga Justices na maybe under the very strong influence of evil one at sana ‘yung mga hindi pa naimpluwensyahan ay maging matatag. Pahayag ni Fr. Reyes