Muling niyanig ng lindol ang isla ng Catanduanes, kanina.
Alas 2:19 ng hapon nang tamaan ng magnitude 6 ang lalawigan.
Natunton ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig, 69 na kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Pandan.
Naramdaman ang intensity 4 sa Irosin, Sorsogon; Legazpi City, Ligao City, Iriga City ng Albay, Jose Panganiban, Camarines Norte; Alabat, Quezon;
Intensity 3 sa Obando, Bulacan; Guinayangan, Lopez at Infanta, Quezon; Sorsogon City; Marikina City;
Intensity 2 sa Quezon City, Masbate City; Lucban at Mauban, Quezon; Catbalogan, Samar; Cabanatuan City at Palo, Leyte.
Intensity 1 sa Tagaytay City, Lucena at Dolores, Quezon; Malabon City; San Ildefonso, Bulacan at Guagua, Pampanga.
Kaninang alas 10:18 naman nang tamaan ng magnitude 4.6 ang Catanduanes.