Hindi maaaring masibak sa puwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.
Ito ayon kay dating Solicitor-General Florin Hilbay ay dahil tumalima naman si Sereno sa requirements ng Judicial and Bar Council o JBC para sa pagka-Punong Mahistrado na dapat ay nasa edad 40 pataas, natural-born Filipino at may 15 taon o higit pa na karanasan sa batas.
Hindi naman aniya requirement para sa posisyon bilang Chief Justice ang pagsusumite ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.
Magugunitang pinagbatayan ni Solicitor-General Jose Calida sa paghahain ng naturang petisyon ang kabiguan ni Sereno na magsumite ng sampung SALN.
Maaari naman aniyang hindi i-require ang filing ng SALN at hindi rin required ang JBC na magsagawa ng psychological examination dahil humihingi lamang sila ng papeles na nagpapakita ng edad, citizenship at ilang taon na sa law practice ang isang nominado.
Sereno, muling niresbakan si Pangulong Duterte kaugnay sa kanyang kinahakarap na quo warranto petition
Naniniwala si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi maaaring maghugas-kamay si Pangulong Rodrigo Duterte sa quo warranto petition na inihain laban sa kanya ni Solicitor-General Jose Calida.
Sa isang forum sa University of the Philippines-Diliman, Quezon City, inihayag ni Sereno na imposibleng walang kinalaman ang pangulo lalo’t direktang nagrereport sa kanya si Calida bilang chief lawyer ng gobyerno.
Kung wala naman aniyang basbas ni Pangulong Duterte ang pagsasampa ng quo warranto case, ini-atras na dapat ito sa Supreme Court.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Punong Mahistrado sa mga kabataan na kanyang supporter na mananaig siya laban sa quo warranto petition na inihain ni Calida laban sa kanya.