Muling bumanat ang sexy actress na si Ellen Adarna sa kostumer na pinaghinalaan niyang kumuha ng video niya habang kumakain sa isang restoran sa Makati.
Sa kanyang latest Instagram story, iginiit ni Ellen na tama ang kaniyang hinala tungkol sa babaeng kostumer na kinuhanan din niya ng video.
Ayon pa kay Ellen, binalak niyang puntahan ang nasabing kostumer para ipabura ang umano’y kuha nitong video, ngunit nagdesisyon na lamang siyang kuhanan din ang kostumer.
Bagama’t pinabulaanan na ito ng kostumer na kinilalang si “Eleila” sa kaniyang mga post, hindi naman ito tinanggap ni Adarna.
Nanghihingi rin ang aktres ng kopya ng CCTV footage mula sa may-ari ng restoran.