Pumanaw na ang kilalang heritage conservation advocate na si Architect Augusto Villalon.
Ayon sa International Council on Monuments and Sites Philippine o ICOMOS, pumanaw ang kanilang dating presidente, 9:00 ng umaga nitong sabado.
Si Villalon ay isa ring kilalang cultural historian at naging kinatawan ng pilipinas sa prestiyosong UNESCO World Heritage Committee sa Paris.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang NCAA o National Commission for Culture and the Arts sa pamilya ni Villalon na dati rin nitong pinamunuan bilang commissioner.