Dalawang araw bago siya maupo sa pwesto, nag-inspeksyon kahapon sa loob ng Bilibid ang bagong hepe ng BuCor o Bureau of Corrections na si Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
TINGNAN: Bagong talagang hepe ng Bureau of Corrections na si Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, surpresang nag-inspeksyon sa Bilibid bago siya umupo sa pwesto bukas, May 7 @dwiz882 pic.twitter.com/dgjGDyKtrr
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) May 6, 2018
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Bato na binisita niya ang kanyang tutuluyan doon at sinilip na rin ang kondisyon ng mga preso.
“Naawa ako sa mga tao dun, sobrang init ng panahon tapos ang hirap ng sitwasyon nila doon, parang mga sardinas…grabe. Grabe ang skip so overcrowded na talaga yung ating piitan.”
Binista rin niya ang medium security compound dahil sa mga ulat na naroon ang mga high profile drug lord pero nalaman niyang naibalik na ang mga ito sa building 14.
Napansin naman ni Dela Rosa sa kanyang pag-iinspeksyon na mababa ang pader sa tabi ng maximum security compound na madali anyang paghagisan ng mga kontrabando papasok sa Bilibid.
Dahil dito, gustong ipatanggal ni Bato ang kalsada sa labas ng maximum security compound para walang makalapit doon na sibiliyan.
“Dapat off limits yan, restricted area yan kasi maximum security compound e. Anybody that will get closer to that area pwedeng barilin para hindi makalapit.”
Nang matanong naman kung magpapatupad siya ng oplan tokhang sa bilibid, sagot ni Bato.
“Totokhangin pa ba natin o tokbang nalang diretso? …. Basta bantay kayo mga druglord at tapusin ko itong problema na yan. Bakit ako mamomroblema sa inyo na kayo ang nasa loob? Kayo ang mamroblema sa akin.”
—-